Before anything else,I would like to ask you if you had been in a situation similar to the one below..
Tapos na ang party.Ubos ang maskarat plastic toys tulad ng prediksyon ni Em.Sa wakas ay nagpaalam ang huling grupo ng mga bata at itinaboy ko sa loob ang mga nag e enjoy pang bisita nina Em at Jason para maumpisahan ko na ang pagliligpit.
Gusto akong tulungan ni Evelen pero tinaboy ko na rin syang umuwi. “May pasok ka pa bukas” sabi ko.
At ng bumalik ako sa hardin pagkahatid ko sa mag ina sa tricycle,nakita ko na para pala kaming dinaanan ng lindol.Sinimulan kong ibuhos sa plastic ng basurahan ang mga lamukot na napkin,tirang hotdog,mga piraso ng fried chicken,spaghetti,salad,keso,bacon cake,tasty bread,chiz curls,potato chips at marami pa.Ang lakas mag aksaya ng mga bata,naisip ko.
Kung sabagay mga bata yan mula sa isang pribadong eskwelahan.Mga batang laking subdivision.Hindi mo mahihintay na manghinayang sila sa mga naiwan sa kanya kanyang pinggan.Mga anak sila ng mayayaman.Sanay silang magtapon ng pagkain..
Buo pa tong hotdog na tinusukan lang ng tinidor.Pero naihain na to.Serving plate nga ito pero malamig nang laman,wala nang kakain tapon na.Tunaw na tong ice creram..hindi na maililigtas.Hindi na rin siguro malinis tong tipak na to ng fried chicken,etot nabasa na ng sauce.Tapon na.Tatanggihan na to maski ng aso namin na kanina parin nagpapakabusog.Sa basurahan na lang mailalagay.</p>
Excerpts from Dekada70 – Lualhati Bautista
Pasingtabi kay Mam Lualhati B autista sa paggamit ng isang eksena mula sa kanyang nobela.It just happened that Im an avid reader of her socio-political novels(including Gapo and Bata Bata..).And I thought that in that particular scene..I can give you readers the main concern that I want you to get.And that concern relates to our daily,careless and unconsiderate waste that we do.
Now bact to my question : “Have you been in a particular situation similar to that one?”
Well..I had been.Im guilty.
Naging saksi ako sa maraming mga kaaksayahang nangyayari samin sa loob ng aming bahay.Nandyan yung minsang maraming kanin ang nasasayang dahil napanis kasi masyaong marami ang naisaing ko at kaunti lang ang kumain..At nang minsang ayawan ko ang ulam namin dahil sa hindi ko ito gusto.At marami pang kaso tulad non.
Pero hindi natin alam(O alam na natin..wala lang tayong pakialam!) na habang nandito tayot nagsasayang..may mga taong halos wala ng makain.At kung makikita lang nila ang ating kaaksayahan..sasabihin nila na tanga tayo.Hindi lang tayo tanga..kungdi napakalaking mangmang!

A famine sticken child crawling to a UN nation food camp located a few miles away.The crow is just waiting fort he child to die.So he can eat his lunch(Which is the child)
Now after seeing that graphic image..Are we going to continue things that we had been accustumed on doing?Hindi pa ba sapat ung mga nakikita nating paghihirap sa mundo? Yes the world goes round..And these days napakalala na ng pagwawalang bahala sa mga bagay na ganito.Mas iniintindi na natin ang pagsasarili.Ung tipong : “Wala akong pakialam sa inyo..basta ako maganda buhay ko! Oha may bago akong CP..txt txt lang tau ah? Kelan ba tau magbabakasyon? Ay may pulube..kawawa naman..sus.”
O kaya naman tipong : “Oh anak..anu ba gusto mong ulam? Fried chicken? Pero meron pa ditong galungong kagabi.Ano? Ganun iapon ko na ung ulam kagabi? Sige na nga bumili ka ng ng chicken.”
I dont want to be all preachy aabout these things..Pro someone has to make a stand and spread awareness.Lets bring back the days when people are caring at each others.
Filed under: At teh edge of sanity | Tagged: conscience, food, poverty, waste | 2 Comments »

